Minsan ika'y naaalala pa rin
Sa mga gabing malungkot at mahangin
Naaalala ang mga oras na ika'y kasama
Nasa piling ko at yakap-yakap ka
Kayhirap limutin ang mga magagandang alaala
Kayhirap tanggapin na ika'y wala na sa aking piling
Minsan may luha pa ring pumapatak
Kasabay ng mata ang puso sa pag-iyak
Gustong isigaw ang nadaramang sakit
Upang sa iyo'y maipahiwatig
Na sa simula ng mawala ka
Inaamin ko...Mahal pa rin kita
No comments:
Post a Comment