Tila kay bigat ng nararamdaman
Ang puso ko'y parang inaapakan
Para bang ang mundo'y sa balikat ay pasan
Ganyan nga ba kapag ang puso ay nasaktan?
Heto ako umiibig pa rin
Sa kanya, na kailanma'y di na muling magiging akin
Kay hirap nga talagang tanggapin
Na ako'y naging duwag na siya'y muling mahalin
Sa araw-araw mundo ko'y tila sumisikip
Hindi mawaglit sa isip ang nadaramang sakit
Kakayanin nga ba ng puso ko ang limutin ka?
Matuturuan nga kaya ang puso na ika'y wag nang ibigin pa?
No comments:
Post a Comment