Wednesday, November 30, 2005

Sa Panaginip

Sa tuwing pag-gising sa umaga
Ikaw ay laging naaalala
Nagdarasal na ika'y muli sanang makita
Umaasang kahit saglit ay makasama ka
Nagmamatyag sa paligid habang naglalakad
Palingon-lingon, nagbabakasakaling makasalubong ka
Sa paglubog ng araw ay ikaw pa rin
Ang laman ng isipan ko't damdamin
Hanggang sa pagtulog isa lang ang ninanais
Sana'y makita ka kahit man lang sa panaginip

No comments: